Official Website of General Trias :: Province of Cavite




DSC07194     by the Local Communications Group-Gen. Trias July 21, 2015 (General Trias, Cavite) – Bilang bahagi ng programang pangkalusugan ng lokal na pamahalaan ng General Trias, partikular ang enhancement ng emergen...

Read More: Click Here





DSC07188     by the Local Communications Group-Gen. Trias July 21, 2015 (General Trias, Cavite) – Mahigit 2,400 daycare students ang inaasahang makikinabang sa P3.8 milyong pondo mula sa Department of Social Work and D...

Read More: Click Here





DSC07100     by the Local Communications Group-Gen.Trias July 20, 2015 (General Trias, Cavite) – Nakamit ng Bayan ng General Trias ang 1st Place sa Overall Competitiveness (1st-2nd Class Municipality Category), gayundi...

Read More: Click Here






by the Local Communications Group-Gen. Trias

July 28, 2015 (General Trias, Cavite) – Namahagi si Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ng mga bagong mobile deskphone units sa 33 barangay chairmen ng General Trias bilang bahagi ng Serbisyo 24/7 Project ng lokal na pamahalaan. Layunin ng proyekto na sinimulan pa noong 2008, ang magkaroon ng maayos na linya ng komunikasyon ang lokal na pamahalaan sa mga barangay, public schools, police at fire stations, at mga tanggapan ng pamahalaan na nasa labas ng munisipiyo, nang sa gayon ay maging madali ang koordinasyon ng iba’t-ibang ahensya lalo na tuwing may emergency situation. Malaking tulong din ito sa mga Gentriseño dahil naipaparating nila sa mga local officials ang kanilang mga mensahe at suwestiyon sa pamamagitan ng pagtawag at pag-text sa mga hotline numbers.

Dumalo sa ceremonial turnover na ginanap nitong lunes, July 27, sa town plaza, sina Mayor Ferrer, Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison, mga Sangguniang Bayan Members at mga punong barangay, sa pangunguna ni Liga ng Barangay President Gary Grepo. Ayon sa liga, sa pamamagitan ng mga bagong kagamitang pangkomuniskasyon magiging madali na ang paghingi nila ng assistance sa mga tanggapan ng munisipiyo.

Nauna nang in-upgrade ang mga mobile communication devices ng mga ahensiya ng lokal na pamahalaan, PNP at BFP. Ang huling batch ng bagong deskphone units ay nakatalaga naman para sa mga public elementary at high schools ng General Trias.















 
img_gallery_pspsize img_gallery_poland9 img_gallery_poland8 img_gallery_poland7 img_gallery_poland6 img_gallery_poland5 img_gallery_poland4 img_gallery_poland3 img_gallery_poland2 img_gallery_poland13 img_gallery_poland12 img_gallery_poland11 img_gallery_poland10 img_gallery_poland img_gallery_onestop img_gallery_makati2 img_gallery_makati img_gallery_gawad2 img_gallery_gawad img_gallery_buffalo2 img_gallery_buffalo galleryvert_poland2 galleryvert_poland galleryvert