News Details

PUBLIC HEALTH ADVISORY: MAG-INGAT MULA SA SAKIT NA LEPTOSPIROSIS

Ngayong panahon ng tag-ulan, laganap nanaman ang sakit na Leptospirosis. Ito ay sakit na dulot ng Leptospira bacteria na nakukuha mula sa ihi ng mga infected na hayop na maaaring makakontamina ang lupa at tubig. (Kadalasang mula sa daga, bubuwit, baka, baboy at aso.) Ang mga sintomas nito ay lagnat, pagsusuka o pagtatae, sakit ng ulo at katawan, panginginig, paninilaw at pamamantal ng balat, at pamumula ng mata. Sama sama po tayong mag-ingat at labanan ang sakit na ito. Agad kumonsulta sa pinakamalapit na ospital o health center kung ang mga sintomas nito ay iyong nararanasan. #AlagangFerrerAlagangGenTri