Trabaho sa Mamamayan ng Ika-6 na Distrito, Hatid ni Cong. Ferrer at Mayor Ferrer « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

Trabaho sa Mamamayan ng Ika-6 na Distrito, Hatid ni Cong. Ferrer at Mayor Ferrer

Trabaho sa Mamamayan ng Ika-6 na Distrito, Hatid ni Cong. Ferrer at Mayor Ferrer

 

by the Local Communication Group-Gen.Trias

October 3, 2014 (General Trias, Cavite) – Mahigit 1,500 job seekers angnagtungosa Land a Job Fast recruitment project nila Cong. Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV at Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, na ginanap noong September 30, 2014 sa parking area ng WalterMart – General Trias sa Barangay Manggahan. May 35 local companies at 5 overseas recruitment agencies ang nakiisa upang makapagbigay ng trabaho at magandang oportunidad sa mga Caviteño mula sa 6th District. Bukod sa trabaho, nag-offer din ng training opportunities sa Information Technology at livelihood ang Cavite Computer Center, General Trias MSWD Training and Productivity Center at National College of Science and Technology, kung saan 71 katao ang nag-avail ng kanilang serbisyo. Dagdag pa rito ang iba’t-ibang government services hatid ng PhilHealth, NSO, Pag-Ibig Fund, SSS, Municipal Treasurer’s Office at Barangay.

Sa kabuuang bilang ng mga aplikante, may 355 ang hired on the spot o natanggap agad sa trabaho. Kasalukuyan silang sumasailalim sa orientation at nagko-comply sa mga pre-employment requirements ng kani-kanilang employers.

Ayon naman sa magkapatid na Ferrer, layunin nilang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga kababayan, gayundin ang ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa komunidad. Nagpapasalamat din sila sa patuloy na suportang ibinibigay ng mga pribadong kompanya upang lalong mapaunlad ang ating pamayanan. Ang nasabing job fair ay naisakatuparan sa tulong ng WalterMart – General Trias at Globe Telecom.