TOP TEN CORPORATE TAXPAYERS NG GENERAL TRIAS, MULING KINILALA

TOP TEN CORPORATE TAXPAYERS NG GENERAL TRIAS, MULING KINILALA


by the Local Communications Group- Gen. Trias

Sa isang simpleng seremonya ng Investors’ Day sa King Bee Restaurant sa Barangay Manggahan noong ika-9 ng Disyembre 2015 ay muling kinilala ang mga mamumuhunan sa Bayan ng General Trias.  Bilang pasasalamat sa kanilang pamumuhan at matapat na pagbabayad ng buwis na nakakatulong nang malaki sa paglago ng lokal na ekonomiya, ang Top Ten Corporate Taxpayers ay hinandugan ng plaque of appreciation ni Mayor Ony Ferrer at Vice Mayor Morit Sison at ng mga Sangguniang Panlungsod Members.  Tumanggap din sila ng special token mula kay Congressman Jon Jon Ferrer.

Ang Top Ten Corporate Investors ng General Trias para sa taong 2015 ay ang mga sumusunod:

  • Analog Devices Gen. Trias Corporation
  • JAE Philippines, Incorporated
  • The Purefoods Hormel Corporation
  • American Power Conversion Corporation
  • House Technology Industries
  • Maxim Philippines Operating Corporation
  • Unilever Philippines, Incorporated
  • H.R.D. Singapore Private Limited
  • Analog Devices Philippines, Incorporated
  • Magnolia, Incorporated

Ang taunang pagkilalang ito ay ginaganap bilang bahagi ng lalong pagpapatatag ng investor relations at para na rin ipakita ang pagpapahalaga ng Pamahalaang Bayan sa kontribusyon ng mga mamumuhunan sa lalong pag-unlad ng General Trias.

Photo by: Dennis Abrina