Team GENTRI Nagwagi sa Cavite Mayors League Basketball and Volleyball Tournament

Team GENTRI Nagwagi sa Cavite Mayors League Basketball and Volleyball Tournament

by the Local Communications Group – Gen. Trias

May 6, 2014 (General Trias, Cavite) – Ipinakita ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng General Trias na hindi lamang sila mahusay sa pagbibigay serbisyo  sa mamamayan kundi may aking galing din sila sa larangan ng isports nang makuha nila ang kampeyonato sa men’s basketball at volleyball sa Cavite Mayors League Inter-Municipalities and Cities Sports Fest championship games noong Mayo 4, 2014 sa General Trias Sports Complex. Sa parehong score na 3-0, nagwagi sa best of five finals ang Team GenTri Men’s Basketball laban sa koponan ng Dasmariñas City at Team GenTri Men’s Volleyball laban naman sa mga atleta mula sa Bayan ng Noveleta.Kinilala naman ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang husay ng mga kawani ng atletang Gentriseño sa flag raising ceremony noong May 5, 2014 na ginanap sa Liwasang Bayan. Pinasalamatan niya ang mga ito dahil sa pagdadala ng karangalan at pagiging ehemplo ng pagtutulungan at pagkakaisa.