Tatlong Kabataang Atletang GenTriseño at mga Kawani ng Lungsod, Pinarangalan « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

Tatlong Kabataang Atletang GenTriseño at mga Kawani ng Lungsod, Pinarangalan

Tatlong Kabataang Atletang GenTriseño at mga Kawani ng Lungsod, Pinarangalan

by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-29 ng Mayo 2017 – Kasabay ng Monday Flag-raising Ceremony ng Pamahalaang Panlungsod ay binigyan ng pagkilala ang tatlong natatanging kabataang Gentriseño na nagpamalas ng kanilang husay sa larangan ng sports.

Kabilang sa mga pinarangalan sina Davyn Mission Cervantes ng Cavite Patriots Football Team na nakabilang sa koponang nag-Champion sa Southern Tagalog CALABARZON Athletic Association (STCAA) 2017 Meet; John Bert D. Reyes, Silver Medalist sa Palarong Pambansa 2017 Teakwondo Elementary Event; at Elizha Joy I. Bandoy, Bronze Medalist sa Palarong Pambansa 2017 Teakwondo Elementary Event Level 6 na ginanap sa San Jose, Antique.

Matapos ang pagpaparangal sa mga kabataan ay kinilala din ang ilang City Hall Loyalty Awardees, mga kawani ng Pamahalaang Panglungsod na may eksaktong 10,15,20,25,30,35 at 40 taon na sa serbisyo. Kabilang sa mga awardees sina (Insert names here). Sila ay tumanggap ng Certificates of Recognition at cash incentives handog ni Mayor Ony Ferrer at ng buong pamunuan ng lokal na pamahalaan ng General Trias.

Photo by: Dennis Abrina