Sabayang Kasalan Pinangunahan ni Mayor Ferrer « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

Sabayang Kasalan Pinangunahan ni Mayor Ferrer

Sabayang Kasalan Pinangunahan ni Mayor Ferrer

by the Local Communications Group-Gen. Trias

Hunyo 20, 2014 (General Trias, Cavite) – Sabay-sabay na nanumpa ng wagas na pag-iibigan ang 155 na pares sa harap ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer sa isinagawang libreng Sabayang Kasalan kahapon sa General Trias Cultural and Convention Center. Layunin ng programang ito na bigyan ng pagkakataon ang mga magsing-irog o mga nagsasama na hindi kasal na gawing legal ang kanilang pagsasama nang hindi na kinakailangang gumastos pa. Sinaksihan naman ang pag-iisang dibdib nila Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, Vice Mayor Maurito C. Sison, mga Sangguniang Bayan Members, Mrs. Lucia Iraida A. Soneja – Provincial Statistics Officer ng Philippine Statistics Authority at mganinong at ninang ng mgaikakasal.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Mayor Ony Ferrer ang responsibilidad ng bawat mag-asawa. Aniya, sila’y may pananagutan sa bawat isa bilang mag-asawa, sa kanilang anak at sa lipunang kanilang kinabibilangan. Ito ang unang mass wedding na pinangunahan ni Mayor Ony Ferrer sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Tinanghal bilang pinakabatang groom si Evanchester L. Evardone, 18 years old at pinakabatang bride si Vina Saldo, 18 years old. Si Danilo M. Tabuena, 58 years old naman ang pinakamatandang groom, samantalang si Elizabeth D. Vallada, 49 years old ang pinakamatandang bride ng mass wedding. Sila’y tumanggap ng gantimpala mula kay Mayor Ferrer.