Purefoods-Hormel, Mag-iinvest ng P8 billion sa General Trias

Purefoods-Hormel, Mag-iinvest ng P8 billion sa General Trias

by the Local Communications Group-Gen.Trias

December 29, 2014 (General Trias, Cavite). –  Inanunsyo kamakailan ni Municipal Mayor Antonio A. Ferrer na ang Purefoods-Hormel Company, Incorporated, ang pinakamalaking manufacturer ng processed meats sa bansa, ay nagpaplano palawakin ang kanilang pasilidad sa Barangay San Francisco.  Ayon sa kumpanya, tinatayang nasa Walong Bilyong Piso (Php8 Billion) ang halaga na kanilang ipupuhunan para sa nasabing proyekto na sisimulan sa darating na2015.  Inaasahan ding makakapagbukas ito ng karagdangang 3000 bagong trabaho para sa mga mamamayan.

“Ang Bayan ng General Trias ay bukas para sa proyektong ito ng Purefoods Hormel Company,” ani Mayor Antonio Ferrer, “Nagpapatunay lamang po ito na tayo ay may sapat nang kakayahan upang tugunan at suportahan ang ating mga lokal na industriya para patuloy silang lumago at umangat.”  Ang planong itong Purefoods-Hormel Company, Incorporated ay lubos na naakma at makakatulong sa layunin ng Pamahalaang Bayan ng GeneralTrias na isulong ang industrialisasyon at urban development.