Mga Centenarians Kinilala ng Lokal na Pamahalaan

Mga Centenarians Kinilala ng Lokal na Pamahalaan

 

by the Local Communications Group-Gen. Trias

Agosto 18, 2014 (General Trias, Cavite) – Sa isang simpleng seremonya na ginanap sa liwasang bayan ng General Trias, kinilala ng Sangguniang Bayan at ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang dalawang natatanging Gentriseñong sina Dra. Virginia Sison Saqui at Dra.Trinidad Leaño Serra. Bukod sa pagiging centenarians, binigyang pugay din ang kanilang mahahalagang kontribusyon sa ating lipunan lalong lalo na larangan ng medisina. Ito’y sa bisa ng Kapasyahan Bilang 14-83 at 14-84 na ipinasa ng Sangguniang Bayan.

Tinanggap ni Ginang Lucy Saqui, anak ng namayapang Dra. Saquia ng pagkilala sa kanyang ina na pumanaw kamakailan. Samantala, personal namang iginawad ang pagkilala kay Dra. Serra na kasamang dumalo ang kanyang pamilya.

Sa mensaheng ibinigay ni Mayor Ony Ferrer, ipinaabot niya ang pasasalamat at pag-hanga sa dalawang natatanging lola. Aniya, nawa’y maging ehemplo sila sa iba pang Gentriseño hindi lamang sa pagkakaroon ng mahabang buhay, kundi pati na rin sa pagbibigay serbisyo sa kapwa at sa bayan.

Kasamang dumalo upang igawad ang pagkilala, sina Vice Mayor Maurito C. Sison at mga Sangguniang Bayan Members. Sinaksihan ito ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga punong barangay