Mayor Ony Nanguna sa Selebrasyon ng Women’s Month sa General Trias « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

Mayor Ony Nanguna sa Selebrasyon ng Women’s Month sa General Trias

Mayor Ony Nanguna sa Selebrasyon ng Women’s Month sa General Trias

by the Local Communications Group-Gen.Trias

March 10, 2015 (General Trias, Cavite) – Mahigit 700 miyembro ng Nagkakaisang Kababaihan ng General Trias (NKGT) ang sumali sa ginanap na Zumba marathon sa General Trias Sports Park bilang hudyat ng simula ng International Women’s Month nitong nakaraang Linggo, March 8, 2015. Sa temang “Juana, Desisyon Mo ay Mahalaga sa Kinabukasan ng Bawat Isa, Ikaw Na!” binibigyang halaga ng pagdiriwang sa taong ito ang kontribusyon ng mga kababaihan sa ating lipunan.

Personal na pinangunahan ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang kick-off kasama ang kanyang may-bahay na si Mrs. Anne A. Ferrer na tumatayong adviser ng NKGT. Ayon sa alkalde, patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga programang magpapalakas sa sektor ng kababaihan. Ayon naman kay Mrs. Ferrer, ang kanilang organisasyon ay nagsasagawa ng mga livelihood projects sa bawat chapter ng NKGT, tulad ng pananahi, food processing, dishwashing soap making at iba pa na nagbibigay kabuhayan sa kanilang mga miyembro.

Dumalo rin sa Women’s Month kick-off sina Konsehal Kerby J. Salazar – Vice Chair, Committee on Women and Family, MSWD Head Rebecca Generoso at NKGT President Aisha Columna.