Mayor Ferrer Pinangunahan ang Selebrasyon ng National Disaster Consciousness Month at 19th Police Community Relations Month

Mayor Ferrer Pinangunahan ang Selebrasyon ng National Disaster Consciousness Month at 19th Police Community Relations Month

by the Local Communications Group-Gen.Trias

Hunyo 30, 2014 (General Trias, Cavite) – Sa isang simpleng seremonya na ginanap sa liwasang bayan, pinangunahan ngayong umaga ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, kasama si Vice Mayor Maurito C. Sison at mga Sangguniang Bayan Members ang taunang pag-gunita tuwing buwan ng Hulyo sa National Disaster Consciousness Month na may temang: “Kahandaan at Kaligtasan ng Pamayanan, Pundasyon ng Kaunlaran.” Highlight ng nasabing okasyon ang 30 segundong sounding of sirens at pagpapakawala sa mga kalapati na sumisimbulo sa kapayapaan at buhay. Pinangunahan naman ni Pastor Victor Tolentino ng Bible Baptist Temple-General Trias ang community prayer para sa mga naging biktima ng sakuna.

Samantala, ginunita rin sa umagang ito ang 19th Police Community Relations Month na gaganapin din sa darating na buwan ng Hulyo. Ito’y may temang “Pinaigting na Samahan ng Mamamayan at Pulisya para sa patuloy na Kapayapaan at Kaunlaran ng Sambayanan. Kaugnay nito, nagbigay ng mensahe si Police Superintendent  Alfredo K. Dangani – Chief of Police, tungkol sa mga aktibidad na isinasagawa ng Municipal Police Station upang lalong mapaigting ang pagtutulungan ng mamamayan at pulisya para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.

Ang disaster preparedness at peace and order ay ilan lamang sa pangunahing layunin sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Ferrer. Kamakailan ay ipinasa ng Local Disaster Risk Reduction Management Council (LDRRMC) ang LDRRMC Contingency Plan upang lalong maging handa ang Bayan ng General Trias sa anumang kalamidad na maari nitong kaharapin. Patuloy rin ang pagbibigay ng kaukulang suporta ni Mayor Ferrer sa PNP para sa crime prevention activities nito.