Mayor Ferrer Binigyang Pagkilala ng Cavite Blood Council at Cavite Girl Scout Council « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

Mayor Ferrer Binigyang Pagkilala ng Cavite Blood Council at Cavite Girl Scout Council

Mayor Ferrer Binigyang Pagkilala ng Cavite Blood Council at Cavite Girl Scout Council

by the Local Communications Group-Gen. Trias

May 13, 2014 (General Trias, Cavite) – Dahil sa patuloy at aktibong pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan ng General Trias sa Provincial Voluntary Blood Services Program na naging susi upang magkaroon ng sapat at ligtas na suplay ng dugo ang Lalawigan ng Cavite, kinilala ng Cavite Blood Council na pinamumunuan ni Governor Juanito Victor C. Remulla Jr. si Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer sa seremonyang ginanap sa Cavite Collaboration Center for Public Health Auditorium, Trece Martires City noong ika-6 ng Mayo 2014. Tinanggap ni Ginoong Alexander Fernando – Community Affairs Officer ang nasabing pagkilala sa ngalan ni Mayor Ferrer. Kinilala rin sa nasabing okasyon ang Community Affairs Office ng General Trias na siyang nangangasiwa ng mga bloodletting activity na regular na ginagawa sa ating bayan. Patuloy namang hinihikayat ni Mayor Ferrer ang mga Gentriseño na makibahagi at mag-donate ng dugo upang matulungan ang mga kapos-palad na kababayang nangangailangan nito. Ang lokal na pamahalaan ay muling magsasagawa ng bloodletting sa Mayo 23, 2014 sa Audio-Visual Room ng munisipyo mula 9AM hanggang 2PM.

Samantala, binigyang pagkilala rin ng Girl Scouts of the Philippines – Cavite Girl Scout Council si Mayor Ferrer dahil sa patuloy na suportang ibinibigay nito sa nasabing samahan. Tinanggap ni Konsehal Kerby J. Salazar ang pagkilala sa ngalan ni Mayor Ferrer sa programang ginanap sa San Roque Elementary School sa Naic, Cavite noong Mayo 9, 2014.

Ang mga karangalang nakamit ni Mayor Ferrer para sa Bayan ng General Trias ay patunay lamang ng kanyang hangaring makapagbigay ng wastong serbisyo tungo sa pag-asenso ng bawat Gentriseño.