Libreng Serbisyong Medikal sa mga Gentriseño Civil Servants « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

Libreng Serbisyong Medikal sa mga Gentriseño Civil Servants

Libreng Serbisyong Medikal sa mga Gentriseño Civil Servants

by the Local Communications Group-Gen.Trias

October 10, 2014 (General Trias, Cavite) –Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ika-114 na anibersaryo ng Civil Service Commission at Civil Service Month noong September, nag-handog ng libreng medical examination at check-up si Mayor Antonio “Ony” Ferrer sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng General Trias. Kabilang sa mga pag-susuring maaaring i-avail ay ang fasting blood sugar, total cholesterol, blood uric acid, serum creatinine, complete blood count, routine urinalysis, at ECG.May 422 na empleyado ang nabiyayaan ng nasabing proyekto na isinagawa sa Audio-Visual Room ng munisipiyo noong September 18, 19, 23 at 24, at noong October 8 at 9.

Ayon kay Mayor Ony Ferrer, nararapat lamang na masiguro at mapanatiling maayos ang kasulugan ng mga kawani ng gobyerno upang patuloy nilang magampanan ang kanilang tungkulin sa bayan. Dagdag pa niya, ang hakbang na ito’y isang paraan ng pagkilala at pagpapahalaga sa kabayanihan at kontribusyon sa lipunan ng ating mga civil servants.