Konsehal ng General Trias Bagong VP for Luzon ng Philippine Councilors League « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

Konsehal ng General Trias Bagong VP for Luzon ng Philippine Councilors League

Konsehal ng General Trias Bagong VP for Luzon ng Philippine Councilors League

by the Local Communications Group- Gen. Trias

General Trias, Cavite, Marso 11, 2014. – Isang malaking karangalan ang hatid ng Number 1 Councilor na si Kgg. Kerby Javier Salazar sa Bayan ng General Trias maging sa Lalawigan ng Cavite nang mahalal siya bilang Vice President for Luzon ng Philippine Councilors League (PCL)sa nakalipas na PCL  9th National Congress noong Marso 5-7, 2014 na ginanap sa SMX Convention Center, Pasay City. Si Konsehal Salazar ang kaunaunahang Sangguniang Bayan Member mula sa Lalawigan ng Cavite na naihalal bilang national officer sa nasabing liga. Bilang pagpupugay at pasasalamat sa mamamayan ng General Trias at ng Cavite, pinili ni Konsehal Salazar na gawin ang kanyang panunumpa sa tungkulin bilang VP for Luzon sa kanyang sariling bayan noong Lunes ng umaga sa flag raising ceremony. Ito’y pinangunahan ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer na siyang officiating officer at sinaksihan naman nila Vice Mayor Maurito C. Sison, mga kapwa Kagawad Sangguniang Bayan at mga kawani ng lokal na pamahalaan.Manunungkulan si Konsehal Salazar sa kanyang bagong posisyon mula 2014 hanggang 2017.