Health Workers Day Ipinagdiwang sa General Trias

Health Workers Day Ipinagdiwang sa General Trias

by the Local Communication Group-Gen. Trias

May 12, 2014 (General Trias, Cavite) – Bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga health workers sa pagpapanatili ng isang malusog at masiglang pamayanan, ginunita ng Lokal na Pamahalaan ng General Trias sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang Health Workers Day noong ika-10 ng Mayo, 2014 sa General Trias Cultural and Convention Center. Ito’y dinaluhan ng mga kawani mula sa Rural Health Unit (RHU), mga Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Service Point Officers (BSPO) at Community-Based Organizations for TB Control Program (CBOs). Sa nasabing programa, binigyang pagkilala ang mga CBOs, ang RHU at si Mayor Ferrer dahil sa kanilang suporta at dedikasyon upang maging matagumpay ang TB Control Program sa Bayan ng General Trias. Pinasalamatan naman ni Mayor Ferrer ang mga health workers dahil sa kanilang pagbibigay ng agarang serbisyong medikal lalong-lalo na sa mga mahihirap at naninirahan malayo sa mga health centers. Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang Chairman ng Committee on Health and Sanitation na si Konsehal Kerby J. Salazar kasama ang iba pang Sangguniang Bayan Members, gayundin si Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV na nagpaabot din ng kanyang pagbati.

Ang Health Workers Day ay ginugunita sa buong bansa tuwing ika-7 ng Mayo sa bisa ng Republic Act 10069 o ang “Health Workers Day Act” na naisabatas nong April 6, 2010.