GSIS Stakeholders Dialogue ginanap sa Cavite « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

GSIS Stakeholders Dialogue ginanap sa Cavite

GSIS Stakeholders Dialogue ginanap sa Cavite

 by the Local Communications Group-Gen. Trias

April 30, 2015 (General Trias, Cavite) – Dinagsa ng daan-daang kawani ng mga lokal na pamahalaan mula sa buong lalawigan ng Cavite, gayundin ng iba’t-bang ahensiya ng gobyerno ang stakeholders dialogue ng Government Service Insurance System (GSIS) na ginanap nitong April 28, sa General Trias Cultural and Convention Center. Layunin ng half-day event na ito ang i-update ang mga miyembro ng GSIS tungkol sa mga latest policies, services at accomplishments ng nasabing ahensiya. Bukod rito, nagkaroon din ng onsite e-card registration para sa mga bagong miyembro at loan application.

Dumalo sa dialogue si GSIS President and General Manager Robert G. Vergara, na nagpahayag ng kanyang pasasalamat para sa mainit na pagtanggap mula sa lokal na pamahalaan ng General Trias. Ayon pa kay PGM Vergara, ang dialogue na ito sa Cavite ang may pinaka-madaming miyembrong dumalo na kanilang nakita.

Buong pwersa rin na nagbigay ng suporta ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, kasama si Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison at mga Sangguniang Bayan Members. Isang karangalan umano ang mapili ang bayan ng General Trias bilang host ng magandang programang ito ng GSIS ayon kay Mayor Ferrer. Sa kanyang mensahe hinikayat ng alkalde ang lahat ng miyembrong dumalo na samantalahin ang pagkakataong ito na i-avail ang mga serbisyo ng GSIS, gayundin ang maging responsableng mga miyembro upang makatulong sa lalong paglago ng nasabing institusyon.

Photo by: Grace Solis