Gov. Jonvic Remulla Namahagi ng CCTVs sa General Trias

Gov. Jonvic Remulla Namahagi ng CCTVs sa General Trias

by the Local Communications Group-Gen.Trias

January 27, 2015 (General Trias, Cavite) – Dalawamput-dalawang subdivisions sa bayan ng General Trias ang nabiyayaan ng closed circuit television cameras o CCTV mula kay Gov. Jonvic Remulla sa ginanap na turn-over ceremonies sa liwasang bayan nitong nakaraang Lunes. Ito’y bahagi ng kanyang layuning mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. Ang mga nasabing CCTV ay malaking tulong sa mga opisyal ng homeowners associations at lokal na awtoriadad upang ma-monitor ang mga lugar na kanilang nasasakupan.

Dumalo sa nasabing turn-over ang 22 Homeowners Federation Presidents ng General Trias East Sector at mga punong barangay. Sinaksihan naman ito nila Cong. Luis “Jon-Jon” Ferrer IV, Mayor Antonio “Ony” Ferrer, Vice Mayor Maurito “Morit” Sison, mga Sangguniang Bayan Members at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Gov. Remulla sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mamamayan ng General Trias. Nangako rin ito na patuloy sa susuportahan ang mga programa at magagandang adhikain ng magkapati na Ferrer.

 

Photo by: Dennis Abrina