GNG. NATIVIDAD ASPURIA, DAGDAG NA CENTENARIAN NG BAYAN

GNG. NATIVIDAD ASPURIA, DAGDAG NA CENTENARIAN NG BAYAN


by the Local Communications Group-Gen. Trias-

Isa na namang Gentriseñong biniyayaan ng mahabang buhay ang binigyang parangal sa flag raising ceremony noong ika-25 ng Enero 2016.  Ang bagong centenarian, si Lola Natividad C. Aspuria, ng Barangay Buenavista III, ay nagdiwang ng kanyang ika-100 taong kaarawan noong ika-20 ng Enero.

Sa bisa ng Kautusang Pambayan 15-07 na nilagdaan noong nakaraang taon, naglaan ang Pamahalaang Bayan ng PHP 50,000 na gantimpala sa sinumang Gentriseño na aabot sa edad na 100.  Ito ay bilang pagkilala sa kanilang pagiging mabuting ehemplo ng pangangalaga sa kalusugan at pagsisilbing inspirasyon sa marami para magkaroon ng healthier lifestyle.

Si Lola Nating ay bunso sa limang anak nina Cesilia Colocado at Benito Cubcubin.  Sa kabila ng kanyang edad ay malakas ay malusog pa ang lola.  Siya ay may sampung anak at naninirahan kasama ng isa sa kanyang mga apo.  Bukod sa gantimpala ay hinandugan din ng plaque of recognition at cash token ni Mayor Ony Ferrer at Vice Mayor Morit Sison si Lola Nating.  Hindi din nagpahuli ang mga Sangguniang Panlungsod Members na nagbigay din ng kani-kanilang pagbati para sa ating bagong centenarian.

Photo by: Dennis Abrina