Gentriseño Farmers Tumanggap ng Tulong Pinansyal

Gentriseño Farmers Tumanggap ng Tulong Pinansyal

by the Local Communications Group-Gen. Trias

Agosto 26, 2014 (General Trias, Cavite) – Tumanggap ng financial assistance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang 38 na magsasaka mula sa 12 barangay ng bayan ng General Trias na nasalanta kamakailan ng bagyong Glenda. Ginanap ang distribution ng claims indemnity cheques noong Agosto 22, 2014 sa munisipyo ng General Trias, kung saan dumalo si PCIC Region IV Regional Manager, Pablo P. Rocela.

Umabot sa may kabuuang P173,141.00 ang tulong pinansyal hatid ng PCIC sa mga nasalanta. Bukod dito tumanggap din ng karagdagang kaalaman ang mga farmer beneficiaries sa Seminar on Organic Rice Farming na pinangasiwaan ng Municipal Agriculture Office.

Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Winifred Jarin na kinatawan ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Atty. Donna Mae Tiongson-Jordan na kinatawan ni Cong. Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, Nerissa P. Marquez-Municipal Agriculturist at Josefina Ballesteros-Agricultural Technologist mula sa Plantmate Organic Fertilizer.

 

Photo credits to: Marjorie Colico