GenTri Youth Inter-Barangay Basketball League, Inilunsad « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

GenTri Youth Inter-Barangay Basketball League, Inilunsad

GenTri Youth Inter-Barangay Basketball League, Inilunsad

by the Local Communications Group-Gen.Trias

April 15, 2015 (General Trias, Cavite) – Tatlongpu’t-dalawang (32) koponan na kumakatawan sa iba’t-ibang barangay ng General Trias ang nagtipon-tipon sa isinagawang parade at opening ceremony ng basketball tournament para sa mga kabataan nitong April 15, 2015 sa General Trias Sports Complex sa Barangay San Juan I. Ang proyektong ito ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ay naglalayong lalong hasain ang mga atletang Gentriseño, gayundin ang iiwas ang mga kabataan sa masasamang bisyo. Bukod sa tagisan sa larong basketball, tampok din sa opening ceremony ang mga pinagmamalaking muse ng bawat barangay na nagpatunay sa natatanging ganda ng mga binibini ng General Trias.

Dumalo upang personal na magbigay suporta si Mayor Ony Ferrer kasama ang kayang kapatid na si 6th District Congressman, Luis “Jon-Jon” A. Ferrer, gayundin si Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison, mga Sangguniang Bayan at mga punong barangay.

Nakatakdang matapos ang nasabing torneyo sa May 24, 2015. Ang magwawaging koponan ay gagatimpalaan ng cash prize at mag-uuwi ng tropeyo at iba pang pa-premyo mula kay Mayor Ferrer.

 

Photo by: Grace Solis