Gentri Employers Lumagda ng MOA para sa Jobstart Philippines Project

Gentri Employers Lumagda ng MOA para sa Jobstart Philippines Project

by the Local Communications Group-Gen.Trias

September 16, 2014 (General Trias, Cavite) – Ipinamalas ng mga locators at business establishments ng General Trias ang kanilang suporta sa adhikain ng Lokal na Pamahalaan na mabigyan ng mas magandang oportunidad ang mga kabataang Gentriseño, sa pagpirma nila sa Memorandum of Agreement para sa internship program ng Jobstart Philippines. Ang nasabing proyekto ng Department of Labor and Employment, Asian Development Bank at Canadian Government ay naglalayong hasain ang may 200 kabataan ng General Trias, katuwang ang mga private companies dito.

Ayon kay Mr. Steven Schmidt ng Jobstart Philippines, napili ang bayan ng General Trias bilang isa sa apat na pilot local government units dahil sa ipinamalas na dedikasyon at accomplishments sa mga livelihood and employment programs. Ayon pa sa kanya, nasa advance stage na rin ang General Trias sa implementasyon ng proyekto, kumpara sa ibang LGUs.

Nagpapasalamat naman si Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer sa bumubuo ng Jobstart Philippines at sa mga employers na nakiisa at tumanggap ng interns sa kani-kanilang kompanya. Dagdag pa ng alkalde, inaasahang mas magiging employable ang mga estudyanteng sasailalim sa nasabing pagsasanay.

Kasamang dumalo sa ceremonial MOA signing na ginanap sa munisipiyo,sina Engr. Ignacio Saqui, Jr. – Provincial Director, DOLE, Ms. Alely A. Bernardo- Financing Partnership Specialist, ADB, Mr. Eberhard Kobler – LMI Specialist, JobstartPhils., Ms. Grethel Ledesma – Finance Officer, JobstartPhils., Mr. Ariel Mugol – PESO Manager at Konsehal Florencio Ayos – Chair, SB Committee on Labor and Employment. Gayundin ang mga kinatawan ng mga partner companies na kinabibilangan ng MKP Inc., CS Garments, Inc., Asti Telford Svc. Philippines, Inc., Philippine-International Manufacturing and Engineering Service (P.IMES), ProserveManworks, Inc., at Fresh N’ Famous Foods, Inc. (Greenwhich).