Gen. Trias Kinilalang BEST LGU-PAIR

Gen. Trias Kinilalang BEST LGU-PAIR

From left: Atty. John Rio Bautista Chief, Workers Education Division, POEA, Hon. Luis A. Ferrer,IV-Municipal Mayor, Mr. Ariel Mugol -PESO Manager, Mr. Vincent Martinez, Labor Employment III, DOLE-Cavite and Mr. Ralph Genaro Buiser, Employment Officer II, POEA.

by Local Communications Group-Gen.Trias

Setyembre 17, 2012- Ginawaran ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lokal na pamahalaan ng Gen. Trias at Public Employment Service Office (PESO) bilang BEST LGU PAIR (Partner in Anti-illegal Recruitment) sa buong Luzon.

Malugod na tinanggap ni Hon. Luis “Jon-Jon A. Ferrer IV”, alkalde ng bayan at G. Ariel Mugol, PESO Manager, ang parangal mula kina Chief, Workers Education Division, POEA Atty. John Rio Bautista, Labor and Employment Officer II, POEA Mr. Ralph Genaro Buiser at Mr. Vincent Martinez,Labor and Employment III, DOLE-Cavite sa isang simpleng seremonya na ginanap sa liwasang bayan.

Ang parangal ay ipinagkakaloob sa mga bayang nagpakita ng malaking suporta upang masugpo ang illegal recruitment at lalong mabigyang proteksyon ang mga manggagawa.