Earth Day, Ipinagdiwang sa Bayan ng General Trias « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

Earth Day, Ipinagdiwang sa Bayan ng General Trias

Earth Day, Ipinagdiwang sa Bayan ng General Trias

by the Local Communications Group – Gen. Trias

Mayo 2, 2014 (General Trias, Cavite) – Nagtipon-tipon ang mga mamamayan ng General Trias sa Municipal Sports Park sa Barangay Santiago noong Abril 26, 2014,ala-siyete ng umaga, upang ipagdiwang ang taunang Earth Day. Pinangunahan ng mga mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan at ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang pagtatanim ng mahigit isang-libong puno sa nasabing lugar upang makatulong maibsan ang polusyon na nagiging sanhi ng climate change. Nakiisa rin sa nasabing adhikain ang mga empleyado ng mga pribadong kompanya mula sa JFB Tech. Philippines Inc., Asia Metal Trading Corporation, MV Santiago Medical Center, The Purefoods Hormel Inc., Royal Cargo, ASTI-Telford Services Philippines Inc., Enomoto Philippines Manufacturing Inc., Danam Philippines Inc., HDK Philippines Inc., Magnolia Inc., SMC Yamamura Fuso Molds Corp., Fujihiro Philippines Inc., Emerson Network Power, Daiki O.M. Aluminum (Philippines) Inc., OM Manufacturing Philippines Inc., O.M. Electrolyzing Inc., Shimadzu, Bridgestone Precision Molding Philippines Inc., Sanno Philippines, Maxim Integrated, N.T. Philippines Inc., Semitec Electronics Philippines, International Precision Assemblies Inc., Southcoast Metal Enterprises Inc., Analog Devices, Philippine Advanced Processing Technology Inc. MEC Electronics Philippines Corp., at Yu Seung Industrial Corp. Nagbigay suporta rin sa nasabing tree planting activity ang Cavite Economic Zone Authority, General Trias Police Station at JCI Philippines General Trias Katipunan Chapter. Isa itong pag papatunay na nagkakaisa ang ibat-bang sektor ng lipunan sa pangangalaga sa ating kalikasan para sa mga susunod pang henerasyon.

Ang Earth Day ay isang pandaigdigang inisyatibong sinimulan ng Earth Day Network at ipinagdiriwang tuwing ika-22 ng Abril sa pamamagitan ng iba’t-ibang aktibidad na naglalayong pangalagaan ang kapaligiran at imulat ang kamalayan ng mamamayan sa mga environmental issues na ating kinakaharap.