Duraville Development Corp. Nagdonate sa Lokal na Pamahalaan « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

Duraville Development Corp. Nagdonate sa Lokal na Pamahalaan

Duraville Development Corp. Nagdonate sa Lokal na Pamahalaan

by the Local Communications Group-Gen. Trias

September 16, 2014 (General Trias, Cavite) – Nagkaloob ng 150 square meters na lote ang Duraville Development Corporation sa Lokal na Pamahalaan ng General Trias na matatagpuan sa Mary Cris Complex Subdivision, Barangay Pasong Camachile II. Dumalo sa Memorandum of Agreement (MOA) signing na ginanap sa munisipiyo, si Duraville Devt. Corp. representative, Mr. Jeffrey Bongat, gayundin si Konsehal Walter Martinez at Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer.

Pinasalamatan ni Mayor Ony Ferrer si Mr. Bongat para sa napaka-gandang regalong ito sa mamamayan ng Mary Cris Complex. Ayon sa alkalde, tatayuan ng community center at extension office ng lokal na pamahalaan ang nasabing lote upang mailapit ang mahahalagang serbisyo ng munisipyo sa nasabing komunidad.