Covered Court sa Buenavista III Binuksan « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

Covered Court sa Buenavista III Binuksan

Covered Court sa Buenavista III Binuksan

by the Local Communications Group-Gen.Trias

October 27, 2014 (General Trias, Cavite) – Pinangunahan nila Cong. Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV at Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang pagpapasinaya at blessing ng covered court sa Barangay Buenavista III ng bayang ito na ginanap nitong Lunes, October 27, 2014. Naisakatuparan ang nasabing proyekto sa pamamagitan ni Cong. Ferrer, sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan at barangay. Layunin ng proyekto na magkaroon ng lugar ang mga mamamayan ng Buenavista III at mga mag-aaral ng katabing Buenavista Elementary School kung saan pwede nilang isagawa ang kanilang mga sports activities at iba pang okasyong pam-barangay.

Sa kanyang mensahe, binalita ni Cong. Ferrer na isa lamang ito sa ilan pang covered courts na itatayo sa bayan ng General Trias. Dagdag pa niya, nagging possible ang proyekto dahil sa pagtutulungan ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan at ng mamamayan. Pinasalamatan naman ni Mayor Ony si Cong. Ferrer sa patuloy na suportang binibigay nito sa mga Gentriseño. Aniya, umaasa siyang dahil sa bagong covered court ay may sisibol na mahusay na basketball player na magbibigay karangalan sa ating bayan.

Dumalo rin upang magbigay ng kanilang suporta sina Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison, mga Sangguniang Bayan Members, Brgy.Chairman Jacinto P. Grepo at mga Brgy. Council at Ms. Analin Porto kasama ang ilang guro ng Buenavista Elementary School. Pinangunahan naman ni Ptr.Nelson Feranil ang dedication at blessing ng nasabing covered court.