Bloodletting Muling Isinagawa sa General Trias

Bloodletting Muling Isinagawa sa General Trias

by the Local Communications Group-Gen. Trias

Mayo 23, 2014 (General Trias, Cavite) – Magligtas ng buhay ng kapwa, yan ang adhikain ng mga volunteer blood donors sa isinagawang bloodletting activity ng Lokal na Pamahalaan ng General Trias katuwang ang Cavite Blood Council sa Audio-Visual Room ng munisipyo ngayong ika-23 ng Mayo, 2014. May 69 volunteers ang nakibahagi sa proyekto na kinabibilangan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga pulis, mga barangay officials at ordinaryong mamamayan na nagnanais tumulong.

Dumalo upang magbigay ng suporta sina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at Konsehal Kerby J. Salazar na Chairman ng Committee on Health. Matatandaang kamakailan ay kinilala ang Lokal na Pamahalaan ng General Trias at si Mayor Ferrer dahil sa suportang patuloy na ibinibigay nito sa Cavite Blood Council.