Barangay Pinagtipunan kampeon sa basketball league

Barangay Pinagtipunan kampeon sa basketball league

by the Local Communications Group-Gen. Trias

May 25, 2015 (General Trias, Cavite) – Nasungkit ng basketball team mula sa Barangay Pinagtipunan ang kampeyonato sa ginanap na championship game ng Gentri Youth Inter-Barangay Basketball League nitong Linggo, May 24, sa General Trias Sports Complex, Barangay San Juan I. Sa score na 79-77, mahigpit nilang nakalaban para sa unang pwesto ang koponan mula sa Barangay Arnaldo. Nakuha naman ng Barangay Navarro ang ikatlong pwesto laban sa grupo mula sa Barangay Santiago sa score na 70-66. Samantala, tinanghal bilang Mythical Five sina Justin Ramirez, Rusty Reyes, Mickhoel delos Santos, Edgar dela Cruz at Ladlo Dulce. Nakuha rin ni Dulce ng Barangay Pinagtipunan ang pagkilala bilang Most Valuable Player (MVP) ng liga.

Naging espesyal naman ang pagtatapos ng torneyo sa pagdalo ni FHM Magazine May 2015 cover girl Arny Ross, na isang Caviteña. Dumalo rin ang mga opisyal mula sa lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at mga Sangguniang Bayan Members, gayundin si 6th District Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV at mga punong barangay ng General Trias.

Ang mga nagwaging manlalaro ay nagkamit ng tropeyo at cash prize na ginawad ni Mayor Ferrer at ng Team Gentri.

Photo by: Dennis Abrina