Bagong Garbage Trucks Ibinahagi ni Mayor Ferrer sa MENRO « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

Bagong Garbage Trucks Ibinahagi ni Mayor Ferrer sa MENRO

Bagong Garbage Trucks Ibinahagi ni Mayor Ferrer sa MENRO

by the Local Communications Group-Gen. Trias

Mayo 28, 2014 (General Trias, Cavite) –Upang lalong mapagbuti ang solid waste management sa Bayan ng General Trias, nagbahagi ng apat na bagong garbage trucks si Mayor Antonio “Ony” Ferrer sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa turnover ceremony na ginanap sa Liwasang Bayan kahapon Mayo 27, 2014. Tinanggap ni Dr. Renato Escurel ng MENRO ang mga bagong sasakyan na sinaksihan naman nila Konsehal Kerby Salazar, Chairman ng Committee on Environment, Konsehal Lamberto Carampot, Konsehal Mario Amante, Konsehal Florencio Ayos at Mr. Hernando Granados, Executive Assistant IV.

Ayon kay Mayor Ferrer, napakahalagang mga bagong kagamitan ito upang mapanatili ang kalinisan at patuloy na mapangalagaan ang ating kalikasan. Bahagi lamang ito ng kanyang layuning makapagbigay ng pinagbuti at wastong serbisyo sa bawat Gentriseño.