Bagong DepEd District I Administration Building Pinasinayaan « Official Website of General Trias :: Province of Cavite

Bagong DepEd District I Administration Building Pinasinayaan

Bagong DepEd District I Administration Building Pinasinayaan

by the Local Communications Group-Gen. Trias

October 27, 2014 (General Trias, Cavite) –Isang magandang regalo ang tinanggap ni Dr. Edna A. Bayot, DepEd District I Supervisor sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan nitong Lunes, October 27, 2014, nang pasinayaan nila Cong. Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV at Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang bagong tayong Administration Building ng District I sa General Trias Elementary School sa Barangay San Juan I. Ang nasabing proyekto ay bunga ng public-private partnership sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan at ng Antel Holdings (General Trias) Inc.

Dumalo rin sa nasabing inauguration at blessing sina Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison, mga Sangguniang Bayan Members, mga punongguro ng iba’t-ibang public elementary school ng District I at ang President ng Antel Holdings na si Mrs. Felicitas Ong.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Onysi Mrs. Ong at ang Antel Holdings sa kanilang patuloy na suporta ng ibinibigay sa Lokal na Pamahalaan, sa mga Gentriseño at sa sektor ng edukasyon. Ito ang pangatlong school facility na itinayo ng nasabing kompanya sa bayan ng General Trias. Nangako naman si Cong. Jon-Jon Ferrer na patuloy siyang magiging kaagapay sa pagpapabuti ng antas ng edukasyon sa General Trias at sa buong distrito. Kinilala rin niya ang tulong at pakikiisa ng pribadong sector sa layuning ito.

Ang blessing ay pinangunahan ni Rev. Fr. Reuel Castañeda ng Our Lady of Guadalupe Parish, Brgy. Javalera.